LIBRENG WELDING KITS IPINAMAHAGI SA TESDA SCHOLARS

frontpage online news - Ang mga TESDA scholars na tumanggap ng libreng welding kits mula sa Tanauan City LGU.
Ang mga TESDA scholars na tumanggap ng libreng welding kits mula sa Tanauan City LGU.

Limampung (50) mamayang Tanaueño na nagsasanay sa ilalim ng Shielded Metal Arc Welding (SMAW) ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang tumanggap ng “Welding kits” mula sa City Government of Tanauan. 

Layunin ng naturang programa, na isa sa mga priority Livelihood Programs ni Mayor Mary Angline “Sweet” Halili, ang makapagpatuloy sa pagsasanay ang mga TESDA Scholars na ito para makapasa sa NC Level II na siyang kinakailangan sa mga industriya.

Dagdag pa, maaari din nilang magamit ito para makapag-simula ng isang maliit na negosyo sa naturang larangan. 

Kabilang sa natanggap ng TESDA Scholars ang tig-isang unit ng Welding Machine, Welding masks, at Safety Welding apron. Nabigyan din sila ng cash assistance na pambayad sa assessment fee para sa kanilang certification. 

Ang awarding ceremony na pinangasiwaan ng City Cooperatives and Livelihood Development Office (CCLDO), ay kaalinsabay sa pagdiriwang ng sa ika-21 anibersaryo ng Cityhood ng Tanauan.