MGA TINAMAAN NG COVID TUMANGGAP NG AYUDA SA QUEZON

Namahagi ng financial assistance ang lokal na pamahalaan ng Tayabas City sa Quezon para sa mga tinamaan ng COVID-19.

Tumanggap ng ayudang pinansyal na P5,000 ang mga gumaling at P23,500 naman para sa mga naulila ng hindi nakaligtas sa Covid-19.

Ayon kay Tayabas City Mayor Ernida Reynoso, siniguro niyang patuloy na hahanap ng paraan para malagyan ng pondo ang ganitong programa upang maayudahan ang lahat ng tinamaan ng sakit sa Lungsod ng Tayabas.

Samantala, ang tanggapan ng City Social Welfare Division Office (CSWDO) ang namamahala sa naturang programang.