LALAKI UTAS SA PAMAMARIL 

frontpage online news - Lucena City Quezon Map

Allan Llaneta

Lucena City- Dead on the spot ang isang 48 anyos na lalaki makaraan itong pagbabarilin nang hindi pa nakilalang suspek sa Barangay Ibabang Dupay sa lunsod na ito Huwebes ng tanghali

Kinilala ni Lucena City Police Chief Lieutenant Colonel Reynaldo Reyes ang  biktimang  si Rodelio Martin Legaspi residente rin sa nasabing lugar.

Ayon sa mga awtoridad, nakatayo umano ang biktima sa tabing kalye nang bigla na lang itong lapitan ng nakamotorsiklong suspek saka malapitang pinagbabaril pasado alas dose 

Dalawang tama ng bala sa ulo nang di pa matukoy na kalibre ng baril ang agarang pumatay sa biktima.

Samantala tumakas ang suspek na sakay isang motorsiklo matapos ang pamamaslang.

Ayon kay Corporal Eduardo Nartea Jr., case investigator, ang biktima ay minsang nakulong sa kasong may kinalaman sa iligal na droga at nakalaya nitong nakaraang Nobyembre.