BABAENG NAGMAMANEHO NG KOTSE PATAY SA PAMAMARIL SA TAYTAY

frontpage online news - Isang babae ang patay matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang sasakyan sa Taytay, Rizal. (photo from Taytay MDRRMO)
Isang babae ang patay matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang sasakyan sa Taytay, Rizal. (photo from Taytay MDRRMO)

Ylou Dagos

Patay ang isang babae matapos na ito ay tambangan at pagbabarilin habang nagmamaneho ng kanyang kotse sa Taytay, Rizal Huwebes ng umaga.

Kinilala ng Taytay police ang biktima na si Lanie Ayo.

Batay sa inisyal na report, dakong alas 11:12 ng umaga, nagmamaneho ang biktima ng kanyang kulay itim na kotseng Honda City at tinatahak ang Ortigas Avenue Extension pauwi sa kanyang bahay nang pagsapit sa Melendres Creekside , Brgy. Dolores ay barilin ito ng isang lalaking nag-aabang sa tabi ng highway.

Nagtamo ito ng tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan at namatay sa pagkakaupo sa driver’s seat.

Mabilis namang tumakas ang suspek na umangkas sa isang naghihintay na motorsiklo na nakaparada sa gutter ng highway at minamaneho ng isang hindi rin natukoy na suspek.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam ng pulisya kung sino ang salarin.