MOTORCYCLE RIDER PATAY MATAPOS SUMABIT SA MANHOLE COVER SA BATANGAS CITY

Marlon Luistro

Lungsod ng Batangas – Dead on arrival na sa Batangas Medical Center ang isang motorcycle rider makaraang dumausdos ang kanyang minamanehong motor sa may Barangay Bolbok noong Biyernes ng umaga.

Nasawi sa aksidente ang biktimang nakilalang si Salvador Dimatatac.

Ayon sa report, bandang alas-6:30 ng umaga, binabagtas lamang ng rider na si Salvador Dimatatac ang outer lane ng nasabing barangay patungong bayan ng San Pascual lulan ng minamanehong Yamaha Mio motorcycle (Plate No. 682 DLK) nang aksidenteng sumabit sa steel manhole cover. 

Dahil ditoy nawalan siya ng kontrol sa motor at natumba sa kalsada at di na umabot pa nang buhay sa pagamutan.