TRAPIKO SA LIPA, INAASAHANG LULUWAG SA PAGBUBUKAS NG UNANG BAHAGI NG MANILA-BATANGAS BYPASS ROAD

frontpage online news - Ang bahagi ng Manila-Batangas bypass road na sakop ng Barangay Inosluban at Barangay Maraouy ay pormal nang binuksan sa mga motorista na magbibigay solusyon sa mabigat na daloy ng trapiko sa lungsod ng Lipa (photo by DPWH)
Ang bahagi ng Manila-Batangas bypass road na sakop ng Barangay Inosluban at Barangay Maraouy ay pormal nang binuksan sa mga motorista na magbibigay solusyon sa mabigat na daloy ng trapiko sa lungsod ng Lipa (photo by DPWH)

Marlon Luistro

Lungsod ng Lipa, Batangas – Inaasahang mapaluluwag ang masikip na daloy ng trapiko sa may 49-kilometrong JP Laurel Highway matapos pormal na buksan noong Biyernes ang unang bahagi ng Manila-Batangas bypass road.

Ang 5.39-kilometrong kalsada, na ginawa ng Batangas 4th District Engineering Office sa pamumuno ni Engr. Rody Angulo, ay kumpleto sa safety features, streetlights, sidewalks at bicycle lanes.

Ang unang section ng daan ay binuksan sa publiko noong Biyernes na may habang 2 kilometro at six lanes mula Barangay Inosluban hanggang Marawoy. 

Tumatagos ito sa Lipa-Balete Road, malapit sa Star Tollway Interchange at matatapos sa Barangay Balintawak sa may Ayala Highway.

Oras na makumpleto ang buong proyekto ay inaasahang mapapaiksi ang oras ng biyahe mula Barangay Inosluban patungong Barangay Balintawak mula sa dating 30 minuto hanggang sa pitong minuto na lamang. 

Ayon sa DPWH, isa itong pangunahing infrastructure project na kumakatawan sa pangakong maibsan ang daloy ng trapiko, ayusin ang road safety, at lumikha ng malaking impact sa kalakalan, komersyo, industriya, edukasyon, kalusugan at turismo sa lungsod ng Lipa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s