18 ANYOS NA BINATA PATAY SA HAZING 

frontpage online news - Laguna Kalayaan Map

Ylou Dagos

Nasawi ang isang 18-anyos na estudyante  matapos na ito ay sumailalim sa hazing ng isang fraternity sa Kalayaan, Laguna noong Linggo.

Kinilala ang biktima na si Reymart Rabutazo, residente ng Barangay Longos.

Batay sa report ng Kalayaan police, inireport sa pulisya ng lola ng biktima ang pangyayari dakong alas 5:00 Linggo ng hapon kungsaan wala na umanong buhay ang biktima nang idating sa Gen. Cailles Hospital, sa bayan ng  Pakil.

Sa imbestigasyon, lumalabas na sumailalim ang biktima sa initiation rites ng Tau Gama Fraternity na ginawa sa bulubunduking bahagi ng Twin Falls, Brgy. San Juan sa Kalayaan.

Nasa 15 umanong miyembro ng fraternity ang sangkot sa pangyayari.

Ayon pa sa imbestigasyon, mismong ang sinasabing chapter president ng samahan ang nagsugod sa biktima sa ospital matapos na ito ay magpakita  ng hindi magandang kalagayan.

Isinailalim na sa pagsusuri ng Laguna Provincial Crime Laboratory Office at ng SOCO ang labi ng biktima upang malaman ang  sanhi ng ikinamatay nito.

Nakatakda namang lumitaw ngayong araw sa pulisya ang sinasabing chapter president upang bigyang linaw ang pangyayari.

Desidedo naman ang pamilya ng biktima na sampahan ng kaso ang mga suspek

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s