FACE TO FACE CLASSES SA 13 PANG  PUBLIC SCHOOL SA LUCENA, UMARANGKADA NA 

frontpage online news - Ang mga estudyante maging ang mga guro abala sa pagsisimula ng face-to-face set up sa kanilang mga paaralan
frontpage online news - Ang mga estudyante maging ang mga guro abala sa pagsisimula ng face-to-face set up sa kanilang mga paaralan
frontpage online news - Ang mga estudyante maging ang mga guro abala sa pagsisimula ng face-to-face set up sa kanilang mga paaralan

Ang mga estudyante maging ang mga guro abala sa pagsisimula ng face-to-face set up sa kanilang mga paaralan (Photos by Ylou Dagos)

Ylou Dagos

Labintatlo pang mga pampublikong paaralan ng elementarya at sekondarya sa Lucena ang nagsimula na sa pagsasagawa ng face to face classes ngayong Lunes, Marso 21.

Ito ay ayon sa inilabas na direktiba ni Lucena Division of City School Superintendent  Dr. Hermogenes M. Panganiban.

Kabilang sa mga public school na sasabak sa face to face ay ang Dalahican Elementary School, Gulang Gulang National Highschool -Domoit extension, Lucena East 9 ES, Mayao Parada ES, Lucena North 2 ES, Mayao Crossing ES, Isabang ES, Isabang ES Bocohan Annex, Lucena East 1 ES, Bliss ES, Lucena South 2 ES, at ang pinakamalaking public school na Lucena West 1 ES.

Pero tanging mga pili o pinayagan ng kanilang mga magulang na mga estudyante ng grade 1 to grade three  ang makakapasok.

Ito na ang ikalawang batch ng mga eskwelahan sa Lucena na nagsagawa ng face to face.

Noong Feb 28, apat na school ang naunang nagklase ng face to face.

Binabalak din ng Lucena Dep Ed na sa darating na Marso 30 ay maging 100% face to face classes na ang lahat ng mahigit na 50 eskwelahan sa lunsod.

Maging ang mga guro ay 100% na rin ngayong papasok sa kani-kanilang mga eskwelahan araw araw.

Bago nagsimula ang face to face classes, tiniyak naman ng Lucena IATF na nakapasa ang mga eskwelahan sa mga ipinapatupad na heath protocol at mga requirements na kinakailangan.

Ang Lucena City ngayon ay nasa ilalim na lamang ng alert level 1.

Samantala, kasabay ng pagsisimula ng face to face classes at regular na pagpasok ng mga guro, nakatakda namang magbigay ng financial asistance sina Quezon Governor Danilo Suarez at Lucena City Mayor Dondon Alcala sa lahat ng guro.

Sa Memorandum na inilabas  ni Governor Suarez, ang financial assistance na ibibigay ng probinsya sa lahat ng mga titser ng 39 na bayan at 2 lungsod ng Quezon ay  bilang bahagi ng face to face preparation ng mga guro at kasabay din ng isasagawang Educators Research Convention sa Miyerkules sa Quezon Convention Center.

Nakatakda rin namang magkaloob ng kanyang sariling financial assistance si Mayor Dondon Alcala sa lahat ng mga guro sa mga school sa Lungsod ng Lucena.