NO. 8 MOST WANTED NG CALABARZON HULI SA TANAY

Marlon Luistro

Tanay, Rizal – Matapos ang halos isang buwang pagtatago ay nasakote ng pulisya ang ikawalong Most Wanted ng Calabarzon sa Barangay Sampaloc kinagabihan noong ika-17 ng Marso.

Kinilala ang suspek na si Adamson Macalinao, 18 anyos, residente ng nasabing barangay.

Inaresto ng pinagsanib na pwersa ng warrant / intel section ng Tanay municipal police station at Regional Intelligence Unit ng PRO Calabarzon ang suspek sa bisa na rin ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Nestor Gapuzan ng Regional Trial Court Branch 78, Morong, Rizal noong ika-21 ng Pebrero para sa kasong murder.

Nakakulong na sa Tanay Police Station ang suspek.