BUSINESSMAN PINAGBABARIL SA BATANGAS, PATAY

frontpage online news - Iniimbestigahan ng Scene of the Crime Operatives (soco) ang lugar kung saan binaril ang negosyanteng si Peterson Co sa Barangay Coliat, Ibaan, Batangas (photo from Ibaan PNP)
Iniimbestigahan ng Scene of the Crime Operatives (soco) ang lugar kung saan binaril ang negosyanteng si Peterson Co sa Barangay Coliat, Ibaan, Batangas (photo from Ibaan PNP)

Arnell Ozaeta

Patay ang isang negosyante matapos barilin ng hindi pa kilalang suspek sa Ibaan Batangas Miyerkules ng hapon

Kinilala ni Police Senior Master Sergeant Ryan Pagcaliwanggan ng Ibaan police ang biktimang si Peter Co, 49, may-ari ng Society Glass Company.

Ayon sa report, nasa project site sa Barangay Coliat si Co nang biglang may dumating na naka motorsiklo at pagbabarilin ito bandang alas 3:20 ng hapon

Dead on the spot si Co dahil sa mga tinamong tama ng bala ng baril sa kanyang katawan.

Inaalam pa ng mga pulis ang motibo at ang nasa likod ng krimen.