CALL  CENTER AGENT TIMBOG SA P482-K NA SHABU

frontpage online news - Ang call center agent na naaresto matapos mahulihan ng droga sa San Pablo City Laguna (photo by San Pablo PNP)
Ang call center agent na naaresto matapos mahulihan ng droga sa San Pablo City Laguna (photo by San Pablo PNP)

Ylou Dagos

Natimbog  ng mga pulis ang isang call center agent matapos makumpiska dito ang nasa P482,000 pesos na halaga ng iligal na droga  sa ikinasang anti-illegal drugs operation sa San Pablo City Martes ng gabi.

Hindi na nakapalag ang suspek na si Donn Anthony Amante Delgado, 26 anyos, residente ng Brgy. San Lucas 2,  nang arestuhin ito ng mga tauhan ng San Pablo police Drug Enforcement Unit (DEU) at ng mga miyembro ng 3rd MP 1st LPMFC sa Barangay San Rafael dakong alas 10:00 ng gabi.

Nagawang makabili ng poseur buyer ng shabu na nagkakahalaga ng P2,000 mula sa suspek.

Matapos maaresto, nakumpiska pa dito ang lima pang bricks na naglalaman ng mga pinatuyong dahon ng marijuana.

Ayon sa Dangerous Drugs Board (DDB), tinatayang may value ito na P482,000 pesos.

Nakakakulong na ang suspek sa San Pablo City police station locked up cell at nahahaarap sa kasong paglabag sa R.A 9165 or the Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.