BATA TINULI, NAMATAY, PAMILYA  HUMIHINGI NG HUSTISYA

Ylou Dagos

Iniimbestigahan ngayon ang pagkasawi ng isang 13-anyos na binata sa Lucena City, Quezon matapos umano itong maubusan ng dugo makalipas na tuliin sa isinagawang medical mission ng isang fraternity.

Kinilala ang biktima na si Angelo Tolentino. 

Base sa kwento ng lolo ng biktima na si Mang Marcelo Alvarez, March 19 ng magpatuli ang biktima sa medical mission ng isang fraternity sa Zaballero, Lucena City. 

Subalit buhat noon hindi raw tumitigil sa pagdurugo ang aring tinuli sa bata hanggang sa isugod na ito sa Quezon Medical Center noong March 21, 2022. 

Kinabukasan banawian ng buhay si Angelo.

Base sa death certificate ng biktima, naubusan ito ng dugo na naging sanhi ng kanyang kamatayan. 

Lumapit ang pamilya ng bikitma sa Volunteers Against Crime and Corruption at Public Attorneys Office upang mabigyan ng hustisya ang sinapit ng biktima dahil naniniwala raw sila na nagkaroon ng pagkakamali o pagkukulang ang mga nagsagawa ng medical mission at pagtuli sa bata.

Nagsasagawa ngayon ng autopsy ang PAO Forensic Team na pinamumunuan ni Atty. Persida Acosta.