ISANG ARAW NA POLICE OPERATION, 30 KATAO ARESTADO SA BATANGAS

Lyka Manalo

Tatlumpung (30) katao ang nadakip ng mga awtoridad sa isang araw na anti-criminality operations kamakalawa.

Ayon sa report mula kay Police Colonel Glicerio Cansilao, Batangas Police Provincial Director, isinagawa ang mga operasyon sa mga lungsod ng Batangas, Sto Tomas at mga bayan ng Lemery at Alitagtag.

Kabilang sa mga naaresto ang isang No.1 Most Wanted Provincial Level at 3 Most Wanted Person City Level.

Naaresto rin ang walong (8) katao na nasasangkot sa ipinagbabawal na gamot sa buy-bust operations na isinagawa sa Batangas City, Lipa City, Calatagan at Mataas na Kahoy.

Siyam (9) naman ang nahuli sa magkakahiwalay na operasyon laban sa iligal na sugal sa  Tanauan City, Rosario, at San Juan. 

Samantala, nasa limang (5) baril ang itinurn-over sa pangangalaga ng pulisya mula sa mga pagsuko ng mga may-ari nito sa ilalim ng OPLAN Katok at BALIK-Armas ng Batangas Police Provincial Office(BPPO)

“Taos pusong pasasalamat po sa inyong mga suporta at patuloy na pagbibigay ng impormasyon na syang nakatulong upang makamit ng inyong kapulisan ang tagumpay ng aming tuloy-tuloy na anti-crimanility law enforcement operations” ayon kay Col Cansilao.