DUTERTE LEGACY CARAVAN SA MATAAS NA KAHOY, BATANGAS ISINAGAWA 

frontpage online news - Umabot sa 200 na katao ang napamahaginan ng food packs, groceries, tsinelas at pack lunch sa isinagawang Duterte Legacy Caravan sa pangunguna ng Batangas Police Provincial Office, Department of Agriculture at MSWDO.(photo from BPPO)
Umabot sa 200 na katao ang napamahaginan ng food packs, groceries, tsinelas at pack lunch sa isinagawang Duterte Legacy Caravan sa pangunguna ng Batangas Police Provincial Office, Department of Agriculture at MSWDO.(photo from BPPO)Umabot sa 200 na katao ang napamahaginan ng food packs, groceries, tsinelas at pack lunch sa isinagawang Duterte Legacy Caravan sa pangunguna ng Batangas Police Provincial Office, Department of Agriculture at MSWDO.(photo from BPPO)

Lyka Manalo

Nagsagawa ng Duterte Legacy Caravan ang pamunuan ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) sa Mataas na Kahoy Central School, Barangay IV, Mataas na Kahoy, Batangas.

Ang programa ay kaugnay ng National Women’s Month Celebration na may temang “Agenda ng Kababaihan Tungo sa Kaunlaran. 

Pangunahing layunin ng Duterte Legacy na ipagpatuloy ang lahat ng mga programang sinimulan ng Pangulong Rodrigo Duterte partikular ang mga serbisyong ibinibigay ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at direktang maihatid ang mga serbisyong ito sa mga tao lalo na sa mga nasa malalayong lugar. 

Nakinabang sa programa ang 200 kababaihang kalahok mula sa nasabing barangay kabilang ang advocacy group. 

Nakatanggap sila ng mga service awards at token mula sa mga kalahok na ahensya tulad ng Police Community Affairs and Development Group, Department of Agriculture at MSWDO.

“Ito’y isang patunay ng Whole-of-Nation-Approach sa pagbibigay ng mabuting pamamahala at mahusay na paghahatid ng mga pangunahing serbisyo.”ayon kay PCOL Glicerio Cansilao, Provincial Director of Batangas Police Provincial Office. (Nicole Urbano)