Joseph Daniel Bonus
Tinatayang nasa 3,000 katao ang inilikas matapos itaas sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal nang magkaroon ng phreatomagmatic eruption nitong Sabado.
Ayon sa NDRRMC, umabot sa 2,961 na indibidwal o 869 na pamilya ang naapektuhan ng pagsabog ng bulkan. 2,894 na indibidwal o 854 na pamilya ang kasalukuyang nakatigil sa evacuation centers, habang 67 na indibidwal o 15 na pamilya naman ang nanirahan muna sa ibang lugar na pawang mga residente ng Agoncillo at Laurel, Batangas.
Ayon sa kapulisan nasa 4,143 na indibidwal ang lumikas sa kani-kanilang tahanan. 2,404 sa mga ito ay mula sa Agoncillo, 478 mula sa Laurel, 27 mula sa Cuenca, at 13 mula sa Talisay nito lamang Linggo.
