RETIRADONG POLICE, ITINUMBA SA SARILING BAHAY

frontpage online news - Tanauan Batangas Map

Ylou Dagos

Patay ang isang retiradong police matapos na ito ay pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek sa kanyang sariling bahay sa Tanauan City, Batangas Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Valeriano Parra, 65 anyos, dating nakatalaga sa CIDG Batangas.

Batay sa report ng Tanauan City police,  dakong alas 5:45 ng hapon, nakaupo ang biktima sa terrace ng kanyang bahay sa Barangay Banjo East nang dumating ang mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Pagtigil sa harap ng bahay, pinagbabaril ng backrider ang biktima na nagtamo ng mga tama sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Agad ding tumakas ang mga suspek.

Isinugod naman ang biktima sa  Daniel Mercado Medical Center (DMMC) subalit ideneklara itong dead on arrival.

Patuloy naman ang imbestigasyon at inaalam ng mga awtoridad ang motibo at ang pagkakakilanlan sa mga suspek