
Nicole Urbano
Nilagdaan na nina Mayor Beverley Dimacuha at City Civil Registrar Josie Maranan gayundin nina Philippine Statistics Authority (PSA) Regional Director Charito Armonia at Provincial Statistics Officer Raul Maximo Tolentino ang Memorandum of Agreement hinggil sa isasagawang Barangay Registration Assistance Project sa lungsod ng Batangas.
Nabuo umano ang konseptong ito dahil sa mataas na bilang ng kumukuha ng National ID ay walang birth certificate.
Layong mabigyan ng serbisyo ang nasa tinatayang 4,000 Batangueno.
Sa ilalim ng Ordinance N0.3 S 2022 o Ordinance amending Section 99 of Ordinance No. 19 S 2008 of the Batangas City Revenue Code of 2009, wala nang sinisingil na delayed registration fee ang CRO sa mga kliyente nito simula ngayong buwan ng Marso.