
Nicole Magmanlac
Limampu’t isang miyembro ng New People’s Army (NPA) na nagmula sa iba’t-ibang uri ng mga sektor tulad ng magsasaka, manggawa, kababaihan, pulahang armado, kabataan, kababaihan, mangingisda, maralitang tagalungsod, sining at transportasyon ang nagbalik loob sa gobyerno sa mismong araw ng ika -53 taong pagkakabuo ng NPA. Ito ay matapos magsagawa ng malawakang kampanya ang Regional Mobile Force Batallion (RMFB4A )sa Timog Katagalugan.
Kaisa ng RMFB4A ang ilang unit mula sa kasundaluhan at kapulisan sa pagkumbinsi sa mga nagbalik-loob. Ayon sa mga dating rebelde, ang dahilan nila sa pagsuko ay ang pagod at gutom na kanilang nararanasana habang nagtatago, pagkamulat sa maling ideolohiyang komunista at panlilinlang, ang kawalan ng pagtanggap o pagsuporta mula sa pamilya, hangad ng kapayapaan at magbagong buhay upang makasama na muli ang iniwang pamilya at makapamuhay na ng matiwasay.
Ayon naman kay PCOL Ledon D. Monte , leader ng RMFB4A, kanilang tutulungang magbagong buhay ang mga sumukong NPA. Unang una ay tutulungan nilang malinis ang kanilang mga pangalan at maproseso ang mga nararapat na insentibo. Hinikayat naman muli ang mga natitirang miyembro ng New People’s Army na gayahin ang mga sumuko at kanila ring tutulungan ang mga ito na magbagong buhay, upang wakasan na ang ilang dekadang alitan at laban sa pagitan ng grupo at ng gobyerno.