VICE MAYOR NG INFANTA QUEZON, VIRAL NGAYON SA KANYANG KAKAIBANG PANGANGAMPANYA.

frontpage online news - Si Infanta Vice Mayor LA Ruanto hila hila ang kanyang speaker trolley upang ipangampanya ang kanyang ineendorsong pangulo (photo from LA Ruanto facebook)
Si Infanta Vice Mayor LA Ruanto hila hila ang kanyang speaker trolley upang ipangampanya ang kanyang ineendorsong pangulo (photo from LA Ruanto facebook)

Nicole Magmanlac

Iba naman ang gimik ng Vice Mayor ng Infanta Quezon na si LA Ruanto sa pag eendorso at pagsuporta sa kanyang presidential candidate na si VP Leni Robredo at ang katandem na si Kiko Pangilinan.

Viral ngayon ang kanyang nakakaaliw na mga video na makikita sa kanyang Facebook page.

Bitbit sa kanyang likod, o di kaya naman ay hila- hila niya sa kanyang portable trolley ang isang malaking speaker sa kanyang pag-uuli sa bayan ng Infanta. Kanyang kinakantahan at tila hinaharana ang kanyang mga kababayan habang ipinangangampanya niya si Robredo.

Unang araw pa lamang ng kampanyahan sinimulan ni Ruanto ang kanyang kakaibang gimik. Ayon sa kanyang facebook post, aabutin ang mga nasa laylayan dahil ang nagmamahal, pinaglalaban ang mahal.

Ayon din sa isa pa niyang post, “Spreading Love and Goodvibes. Kung Di man si Leni ang Presidente mo, uunawain kita at hindi huhusgahan dahil Kapwa Pilipino pa rin tyo at iisa, kaya’t ipaglalaban ko ang isang Gobyernong Tapat para sau at sa ating lahat.”

Sa pang apat na araw naman ng kanyang pangangampanya ay umabot na ito sa Luisiana- Cavinti sa lalawigan ng Laguna.