BAYAN NG LAUREL BATANGAS PATULOY NA BINABANTAYAN DAHIL SA BANTA NG TAAL

frontpage online news - Isang miyembro ng Laurel PNP ang namimigay ng leaflets sa evacuees na naglalaman ng impormasyon sa pagiwas sa panganib. (Photo from Laurel PNP)
Isang miyembro ng Laurel PNP ang namimigay ng leaflets sa evacuees na naglalaman ng impormasyon sa pagiwas sa panganib. (Photo from Laurel PNP)

Mary Rose Isla

Ilang tauhan ng Philippine National Police galing sa Laurel Municipal Police Station ang patuloy na nagbabantay sa bayan ng Laurel dahil sa banta ng bulkang taal na sa kasalukuyan ay nasa Alert level 3.

Ika-8 ng umaga ay nagsimula silang mamigay ng mga leaflets sa mga evacuees hinggil sa impormasyon sa bulkan at mga dapat gawin para makaiwas sa panganib. Bandang 11 ng umaga ay tumulong ang kapulisan sa Red Cross sa pagbabahagi ng mga relief goods para sa evacuee sa isang paaralan sa Laurel.

Ang ilan naman sa tauhan ng 3rd Mobile Police at 1st Batangas Provincial Mobile Force Company ay nagsagawa ng Visibility/Anti-Looting Patrol sa ilang apektadong barangay tulad ng Brgy. Buso Buso, Gulod at Bugaan East.

Nagkaroon din ng pagpupulong sa mga evacuees sa striktong pagpapatupad ng tamang pangangalaga ng kalusugan at pamantayang batas sa loob ng evacuation area. Ito ay pinamunuuan ni Pat Resty Seda ng Laurel MPS sa pangangasiwa ni Police Major Arlan Vellarde Perez na officer in charge sa operasyon.

Nakadestino naman ang ilang tauhan ng BPMFC para sa seguridad ng mga mamamayan na kasalukuyang nasa Brgy. Ticub Elementary School Evacuation Center Laurel, Batangas.