MEAT PROCESSING SEMINAR DINALUHAN NG MGA KABABAIHAN SA BAYAN NG TAYABAS

Nicole Magmanlac

Matagumpay na isinagawa ang two day meat processing seminar na dinaluhan ng 40 miyembro ng Tayabas RIC Federation na naganap sa Tayabas Livelihood Shared Service Facility sa Brgy. Mateuna, Tayabas City.

Ang seminar na kaugnay ng pagdiriwang ng buwan ng mga kababaihanito, ay isinagawa ng OPA-Women Empowerment Section sa pakikipagtulungan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor.

Tinuruan ang mga kababaihan ng tamang proseso sa paggagawa ng tocino, pork tapa, siomai, at longganisa. Ang recipe na kanilang ginamit ay dinevelop ng mga food technologist mula sa OPA- Food Herbal Processing Unit mula sa kanilang Agri-based Food Product Development Program at ekslusibong magagamit ng samahan upang batayan sa lasa at timpla ng kanilang ginagawang produkto.

Umaasa naman ang mga dumalo sa pagsasanay na magiging maayos at matagumpay ang kanilang mga sisimulang negosyo.