P2-M SHABU TIMBOG SA BUY BUST OPERATION SA CAVITE

frontpage online news - Ang mga naarestong suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Cavite (photo by Cavite PNP)
Ang mga naarestong suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Cavite (photo by Cavite PNP)

Nicole C. Magmanlac

Nakumpiska sa isang drug-buy-bust operation ng pulisya ang pinag- hihinalang shabu na nagkakahalaga ng 2 milyong piso sa Gen. Mariano Alvarez, Cavite noong March 29 ng gabi. 

Arestado din sa operation ang apat na High-Value Individuals (HVI) na kinilalang sina Dianne Fidesdi, 34, Myka Obias, 26, Julius Ceasar Obias, 28 at si Rechelle Habab, 28

Ayon sa report, isinagawa ang buy-bust sa Barangay Maderan bandang alas 6:13 ng gabi kung saan gumamit ng isang bundle ng pekeng pera at isang tunay na P500 ang mga operatiba sa operasyon. 

Nakumpiska mula sa mga suspek ang limang sachet ng shabu na may timbang na 300 grams at nagkakahalaga ng Php 2,070,000.00

Dinala ang mga naaresto sa Camp Brigadier General Pantaleon Garcia sa Imus City, Cavite para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. 

Mahaharap sa mga kasong Violation of Section 5 (26) and Section 11 Article II, Republict Act 9165 (Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek.