UPDATE SA BULKAN TAAL INILAHAD NG NDRRMC KAY PANGULONG DUTERTE

Mary Rose Isla

Nagbigay ng update kay Pangulong Rodrigo Duterte ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) at iba’t-ibang departamento at ahensya ng gobyerno sa kasalukuyang sitwasyon ng Bulkang Taal sa Batangas. 

Ipinapaliwanag ng Department of Science and Technology (DOST) at Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang nakaraan at kasalukuyang balita sa bulkan at ang mga posibleng mangyari gamit ang kanilang monitoring system. 

Tinalakay rin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang paghahanda at pagtugon sa sakuna, kung saan nakapaloob ang pangkalahatang-ideya ng mga sinusubaybayang epekto at ang mga aksyong isinagawa sa pakikipag-ugnayan sa provincial disaster management council.

Dagdag pa rito, pinag-uusapan ng Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang tungkol sa agarang aksyon ng kani-kanilang opisina at deployment ng mga tauhan sa pagtugon sa sitwasyon at pagbibigay ng tulong sa mga apektadong komunidad.