BABAENG OFW, PATAY SA SALPOK NG UTILITY VAN

frontpage online news - Atimonan Quezon Map

Ylou Dagos

Dead on the spot ang isang babaeng nagbibiseklita matapos masalpok ng isang utility van sa Maharlika highway sa Atimonan, Quezon Miyerkules ng umaga.

Mga grabeng pinsala sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang agarang ikinasawi ng biktimang si Jennifer Domacian Galero, 41, isang balikbayang OFW, residente ng Barangay Buhangin.

Ayon sa report ng Atimonan police, ang biktima ay nasalpok ng Kia Single Cab Karga utility van na minamaneho ni Randy King, 32, taga Pasay City.

Lumalabas sa imbestigasyon na nawalan ng kontrol sa manibela ang van at sinakop nito ang linya ng kasalubong kaya nasalpok nito ang bisikleta.

Matapos mabundol, nakaladkad pa nito ang biktima papunta sa shoulder ng kabilang linya, naging dahilan ng biglaang pagkasawi nito.

Naaaresto naman ng mga pulis ang driver ng van na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.