P.5-M SHABU NAKUMPISKA SA RIZAL,2 ARESTADO

frontpage online news - Nagsasagawa ng imbentaryo ang mga pulis sa mga drogang nakumpiska mula sa dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Rizal (photo by Rizal PNP PIO)
Nagsasagawa ng imbentaryo ang mga pulis sa mga drogang nakumpiska mula sa dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Rizal (photo by Rizal PNP PIO)

Nicole C. Magmanlac

Nasa higit kalahating milyong piso ang halaga ng nakumpiskang shabu sa isinagawang operasyon laban sa dalawang suspek sa Binangonan, Rizal noong March 30 ng umaga.

Kinilala ni Rizal Provincial Director Police Colonel Dominic Baccay ang mga naarestong suspek na sina Marvin Medalla, 39 naninirahan sa Barangay Palangoy, Binangonan, Rizal at Rommel Silvestre, 49, nakatira sa Barangay Muzon, Taytay, Rizal. 

Ayon sa report, nagsagawa ng buy-bust operation ang Rizal Police Intervention Unit (PIU) na may koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 4A sa Julie St. Sunny Ville Subdividion, Barangay Palangoy, Binangonan, Rizal bandang alas-12:30 ng umaga. 

Nakumpiska sa mga suspek ang 5 sachet ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng Php 550,800.00 at marked money. 

Nag-ugat ang nasabing operasyon sa tulong ng isang confidential informant na ayon dito ay talamak ang bentahan ng iligal na droga sa nasabing lugar kung saan isang alyas “Pangga” ang nasa likod ng mga iligal na bentahan ng droga. 

Ang mga suspek kasama ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Rizal Provincial Forensic Unit sa Hilltop, Taytay, Rizal, para sa kaukulang pagsusuri sa mga droga.