TUBERO ARESTADO SA ISANG MANHUNT OPERATION SA SANTA ROSA,LAGUNA

frontpage online news - Sumasailalim sa imbestigasyon ang tuberong wanted sa kasong rape matapos maaresto sa Sta Rosa Laguna (photo by Laguna PNP)
Sumasailalim sa imbestigasyon ang tuberong wanted sa kasong rape matapos maaresto sa Sta Rosa Laguna (photo by Laguna PNP)

Nicole C. Magmanlac

Arestado ang 35-anyos na tubero sa isinagawang manhunt operation sa Sta Rosa Laguna noong March 29 dahil sa kasong rape. 

Ayon sa report ni Laguna Police Acting Provincial Director, Police Colonel Cecilio R. Ison Jr, na-aresto sa isinagawang manhunt si Rolando, Quinto Ragojos residente ng Brgy. Labas, Sta. Rosa city, Laguna. 

Ang akusado ay Rank 4 Most Wanted Person ng Santa Rosa, Laguna.

Lumabas sa report ng bandang 6:15 pm sa Brgy. Tagapo, St. Rosa City, Laguna ang pa aresto ay isinagawa sa  pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Paulito M. Sabulao. 

Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa 2 counts of Rape na iniisyu ng Regional Trial Court Branch 101, Sta. Rosa, Laguna 

Walang nakatakdang piyansa ang nirekomenda sa kasong ito. 

Ang akusado ay nasa kustidiya ngayon ng kapulisan.