
Joseph Daniel Bonus
Kasaysayan para sa Philippine Air Force (PAF) matapos magkaroon ng kauna-unahang Fighter Pilot na babae nito lamang Marso 30 mula sa 5th Fighter Wing sa Basa Air Base, Floridablanca, Pampanga.
Si 1lt. Jul Laiza Mae B. Camposano-Bernan PAF ay itinalagang kauna-unahang babaeng AS-211 combat mission ready na piloto at wingman.
Tubong Tulunan, Cotobato, siya ay miyembro ng Philippine Military Academy SINAGLAHI Class of 2015 at naging ika-5 babae sa akademya na tumanggap ng Athletic Saber Award sa mahigit 170 miyembro ng kanyang klase.
Nagtapos siya ng Military Pilot Training noong 2017 sa Philippine Air Force Flying School.
Bilang pagbibigay-pugay sa National Women’s Month nitong Marso, ang Philippine Air Force ay nakikiisa sa pagpapahalaga sa mga kababaihan sa organisasyon at sa lipunan.
