LOCAL ENERGY PLAN NG BATANGAS CITY, SINIMULAN NA

Dinaluhan ng ibat-ibang departamento ng Batangas City ang isinagawang Orientation Workshop para sa pagbabalangkas ng Local Energy Plan (photo by Palakat-Batangas)

Nicole Urbano

Sinimulan na ng pamahalaang lungsod ng Batangas ang pagbabalangkas sa Local Energy Plan (LEP)noong March 31.

Nagsagawa ng Orientation-Workshop on Formulating The Local Energy Plan ang USAID-Energy Secure Plan (ESP) katuwang ang Department of Energy at ang City Environment and Natural Resources Office (City ENRO). 

Inaasahang magiging “transformational plan” ito upang magkaroon ng malinis na fuel at teknolohiya sa susunod na dalawang dekada.

Isa rin itong integrated energy map kung saan nakapaloob dito ang programa ng isang lokal na pamahalaan katulad ng renewable energy, energy efficiency and conservation, resilience at iba pa. 

Layunin ng nasabing workshop ang maipaalam ang mga hangarin, programa at polisiya ng Pilipinas ukol sa enerhiya at papel ng mga local government units (LGU) upang magkaroon ng sapat na kaalaman hinggil sa mga institutional mechanism na susuporta sa pagbuo nito. 

Hangad din nito na pag-aralan ang posibleng kolaborasyon para sa mas maayos na pagpaplano at pamamahala ng mga nasabing enerhiya. 

Dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t-ibang iba’t-ibang departamento ng lokal na pamahalaan ang nasabing orientation.