TINDAHAN NADAGANAN NG TRAILER TRUCK, TINDERONG LOLO PATAY

Ang tumagilid na truck kung saan nadaganan ang lolo sa loob ng kanyang tindahan sa Calamba City (photo by Calamba CDRRMO)

Ylou Dagos

Patay ang isang 69-anyos na lolo matapos na madaganan ang kanyang tindahan ng tumagilid na truck sa Calamba City, Laguna.

Kinilala ang biktima na si Ernesto Narvaez, residente ng Brgy. Road,  Purok 2,  Brgy Punta.

Batay sa report ng Calamba City police, bandang alas 6:00 Miyerkules ng umaga, nasa loob ng kanyang tindahan ang biktima na nasa gilid na gilid ng makitid na ginagawang  kalye nang sapilitang dumaan ang isang twelve-wheeler truck na minamaneho ni Ronel Salenga, 33 anyos, taga Porac, Pampanga.

Nahulog ang gulong ng truck sa kanal at dahil sa bigat ng karga ay tuluyang itong natumba at bumagsak sa tindahan ng biktima.

Pinagtulung-tulungang hugutin ng mga rescuer sa nawasak na tindahan ang biktima at sinugod sa Calamba City Medical Center subalit binawian din ito ng buhay. 

Isinugod din sa ospital ang driver ng truck na nagtamo rin ng mga sugat.

Isinisisi naman ng mga residente ang pangyayari sa Calamba LGU at Traffic Management Office dahil sa pagpayag na daanan ng malalaking sasakyan ang naturang kalye na under construction pa at kasya lamang ang  mga light vehicles