TOUR GUIDE TRAINING PARA SA PAGBUBUKAS NG MT. BANOY, ISINAGAWA SA BATANGAS CITY

frontpage online news - Nagsagawa ng training ang City Tourism ng Batangas para sa mga tour guide bilang paghahanda sa pagbubukas ng Mt.Banoy (photo by Palakat Batangas)
Nagsagawa ng training ang City Tourism ng Batangas para sa mga tour guide bilang paghahanda sa pagbubukas ng Mt.Banoy (photo by Palakat Batangas)

John Paul Villanueva

Bilang paghahanda sa pagbubukas ng Mt. Banoy sa Abril 9, nagsagawa nitong Biyernes ang Technical Working Group for the Protection and Tourism Development ng tour guide training sa Batangas City.

Layunin nito na matuto at magkaroon ng kasanayan ang mga participants sa wastong paraan ng tour guiding para sa pagpapaunlad ng turismo sa lungsod.

Mahigit 50 residente ng Barangay Talumpok Silangan ang dumalo sa nasabing programa na pinangunahan ni Mr. Franklin Lontok, punong barangay, kasama ang mga opisyal at miyembro ng kooperatiba at iba pang samahan sa barangay.

Pinangasiwaan ang pagsasanay ni Public Employment Service Officer (PESO) Noel Silang, City Tourism Office, at Public Information Office (PIO).