PARING NAWAWALA, NATAGPUANG NAKAGAPOS SA LOOB NG SASAKYAN

Nicole Magmanlac

Natagpuan na ang Parish Priest ng Most Holy Rosary Parish Church ng Brgy. Poblacion Rosario, Cavite na si Fr. Leoben Octavo Peregrino sa loob ng kanyang sasakyan sa Brgy. Lumil Silang, Cavite. Nakagapos ito sa headrest ng driver’s seat ng puting Mitsubishi Adventure habang nakapark sa isang bakanteng lote.

Ayon sa kapatid ni Fr. Peregrino, huling nakita ang pari sa Most Holy Rosary Parish Church noong April 1,2022 pasado 9:30 ng gabi sakay sa puting Mitsubishi Adventure, pupunta ito sa Imus City upang bumii ng kandila. Ngunit lumipas na ang 24 oras ay hindi pa rin natatagpuan ang pari ng kanyang pamilya at mga staff kaya lumapit na ang mga ito sa kapulisan.

Pasado 1:30 ng hapon ng April 3, nakatanggap ng report ang Silang Municipal Police Station mula sa Brgy. Captain ng Lumil Silang Cavite na si Nolasco Guevarra, na may natagpuang Mitsubishi Adventure sa isang bakanteng lote. Duon nga natagpuan ang pari na nakagapos sa headrest ng driver’s seat.

Dinala naman ang pari sa pinakamalapit na ospital sa Dasmariñas, Cavite.

Photo from Cavite Connect