TEACHER’S DIGNITY COALITION HUMILING NG DAGDAG BAYAD PARA SA OVERTIME NG MGA GURO NA MAGIGING ELECTORAL BOARD

Nicole Urbano

Dahil sa nalalapit na National and Local Elections 2022, humirit ng dagdag bayad ang Teachers Dignity Coalition sa Commission on Elections o Comelec para sa mga guro na magsisilbing  electoral board na mag-oovertime. 

Ayon kay Benjo Basas, presidente ng Teachers’ Dignity Coalition, nakasaad din sa batas na kailangang bayaran ang anumang overtime pay ng mga magsisilbing poll workers. 

Dagdag pa niya, kulang umano ang general instructions na inilabas ng Comelec kaugnay sa honoraria ng mga guro na poll workers.

Batay sa Comelec Resolution No. 10727, ang honoraria ng Chairperson of the Electoral Boards ay P7,000; Members of Electoral Boards ay P6,000; Department of Education Supervisor Official (DESO) ay P5,000 habang P3,000 naman sa Support Staff.

Kaugnay nito ay sinabi ni Basas na ipaparating nila sa COMELEC ang naturang isyu sa isasagawang pagpupulong ngayong araw.