3 ARESTADO SA MAGKAKAHIWALAY NA MANHUNT OPS SA LAGUNA

frontpage online news - Tatlo ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng Laguna police (photo by Laguna PPO)
Tatlo ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng Laguna police (photo by Laguna PPO)

Nicole C. Magmanlac

3 Most Wanted Person (MWP) arestado sa magkakahiwalay na manhunt operation ng Laguna PNP na ginanap nito lamang Abril 4,2022.

Naaresto si Ramir Laquio Suratos, 47, construction worker, residente ng Brgy. Langgam San Pedro City, Laguna pasado 7 ng gabi sa isang construction site sa Brgy. Nueva, San Pedro City, Laguna. 

Sa bisa ng warrant of arrest para sa krimeng Acts of Lasciviousness 2 counts (RPC ART. 336) walang piyensang nirerekomenda sa krimeng nabanggit na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 31 nitong January 12, 2022. Si Suratos ay Top 3 MWP sa San Pedro City.

Arestado rin sa isang manhunt operation si Edwin Umali Flores Jr, 44, residente ng Brgy Santiago 1, San Pablo City, Laguna pasado 10:53 ng umaga sa nasabing lugar 

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng RTC, Branch 32, San Pablo City Laguna para sa Violation of RA 10591 o Comprehensive Law of Firearms and Ammunition, walang nirerekomendang piyansa sa naturang krimen. Si Flores ay Top 3 MWP ng San Pablo City.

Si E.R. John Laberinto, 32, guro, resident ng Brgy. Bagumbayan, Santa Cruz, Laguna pasado 9:16 ng gabi sa Sitio 3, Brgy. Bagumbayan, Santa Cruz, Laguna. 

Sa bisa ng warrant of arrest para sa Violation of Sec. 5 (1) of RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 na may rekomendang piyansa na Php 72,000 na inisyu ng RTC, Branch 26, Santa Cruz, Laguna. Si Laberinto ay Top 6 MWP sa Santa Cruz Laguna.

Ang mga naaresto ay mga nasa kustodiya na ng mga kapulisan.