LIGHTER NAPAGLARUAN NG PASLIT, BAHAY NASUNOG

frontpage online news - Santa Cruz Laguna Map

Ylou Dagos

Natupok ng apoy ang isang bahay matapos na mapaglaruan ng isang bata ang lighter na nakita nito sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay San Pablo Sur, Sta Cruz, Laguna nitong Martes ng umaga.

Laking gulat ng nanay na si Cheska Amatorio nang makitang nagliliyab na ang ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Ayon sa imbestigasyon dakong alas 8:45 ng umaga, natutulog ito sa kuwarto sa ground floor nang magising dahil sa makapal na usok na nagmumula sa taas ng bahay.

Nakita pa nito ang 5-taong gulang na anak na babae na nasa baba na ng bahay subalit hawak pa nito ang lighter.

Teorya nito, nakita ng anak ang lighter sa 2nd floor kung saan ginagamit nila ito na pang-ilaw dahil wala pa umanong linya ng koryente sa nasabing palapag.

Agad namang nakalabas ng bahay ang mag-ina bago ito tuluyang natupok ng apoy.