MOST WANTED ARESTADO SA MANHUNT OPS SA RIZAL

Nicole Magmanlac

Arestado sa isang manhunt operation ang Top 1 Most Wanted Person Municipal Level sa San Pedro, Morong, Rizal.

Kinilala ni Morong Officer In-Charge, Police Captain Reinach Roy F. Dapeg ang suspek na si

Rheuben Dela Cruz y Dee aka Ben, 27, residente ng Blk 158 Lot 13 Sitio Talaga Brgy. Maybancal, Morong, Rizal.

Nahuli si Dela Cruz pasado 10 ng umaga ng Abril 5 sa Sitio Pag Labas, Brgy. San Pedro, Morong, Rizal sa bisa ng warrant of arrest.

Ang naaresto ay may kinakaharap na kasong Frustrated Murder under Art. 248 (1) in relation to Art. 6 of the RPC with criminal case # 21-23611 na inisyu ng Regional Trial Courth 4th Judicial Region, Branch 80 Morong, Rizal na may rekomendadong piyansa na nagkakahalagang Php 200,000.00.

Si Dela Cruz ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng kapulisan.