RANK 10 MOST WANTED NG BATANGAS, ARESTADO

Mary Rose Isla

Arestado ang 27-anyos na si Christopher Daigdigan y Silang, isang helper, tubo at residente ng Brgy. Gulod Itaas, Batangas City matapos maghain ng warrant of arrest ang mga operatiba ng Batangas City Police Station sa ganap na ika- 2:11 ng hapon ng Abril 5, 2022 sa nabanggit na lugar.

Si Silang ay Rank 10 Most Wanted ng Batangas.

Ang akusado ay wanted sa paglabag sa Republic Act 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” at may kasong Acts of Lasciviousness. Ang nasabing warrant of arrest ay inisyu mula sa Family Court Branch 1, Batangas City noong ika-4 ng Abril, 2022.

Nangyari ang insidente sa loob ng bahay ng biktima, nakahiga at nanonood siya ng TV nang ang suspek ay bigla na lang pumasok sa kanilang bahay at nakita ang biktima at ginawa ang nasabing krimen. Ayon sa Batangas City Police Station, naganap ang krimen noong Enero 16, 2022 sa Sitio Marita, Brgy. Dela Paz Proper, Batangas City.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Batangas City Police Station ang akusado para sa kaukulang disposisyon.