FIRST-AID TRAINING ISINAGAWA SA STO. TOMAS CITY

Ang mga kabataang lumahok sa isang linggong first-aide training sa Sto Tomas City (photo by Sto Tomas FB page)

John Kenneth T. Mendoza

Isandaang kabataang Tomasino mula sa mga barangay ng Sto. Tomas City ang lumahok sa matagumpay na pagsasagawa ng First-aid training sa Sto Tomas City.

Tinawag na “Kabataang Alisto, Handa sa Peligro” isinagawa ang programa sa pamamagitan ng City Youth Development and Sports Division (CYDSD) nitong Marso 30 hanggang Abril 6, 2022.

Pinangunahan ni Youth Development Officer Catherine V. Mendoza, katuwang ang Philippine Red Cross Batangas at Interim Red Cross Youth Council Batangas Chapter, ang isang linggong programa na may webinar at face-to-face training.

Nagsilbi namang resource speaker at instructor sa nasabing pagsasanay sina John Joseph Jaen, Anthony Tabago, at Juren Fajardo ng Philippine Red Cross na nagturo ng wastong cardiopulmonary resuscitation (CPR) at emergency responses.

Layunin ng aktibidad na gawing handa at bjgyan ng sapat na kaalaman ang mga kabatan para sa pagpapaunlad ng sarili at sa kapwa.