KAHONG-KAHONG HELMET NA MAY PEKENG ICC STICKER, KUMPISKADO SA CAVITE

frontpage online news - Kawit Cavite Map

Nicole Magmanlac 

Nakumpiska ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mahigit isang libong helmet na may pekeng Import Commodity Clearance (ICC) sticker at mga pekeng sapatos sa isinagawang operasyon sa Kawit, Cavite nitong Miyerkules. 

“We have 1,600 helmets na nakuha today. So, 1,606 motorcycle drivers ang nagde-delikado kapag sila ang gumamit nito. Dahil uncertified nga siya, hindi natin alam kung safe ‘yung produkto na gamitin o hindi,” ani Trade Undersecretary Ruth Castelo

Nang inspeksyunin ng DTI ang isang warehouse sa Kawit Cavite, aabot sa 1,600 helmet na may pekeng ICC Sticker ang nakumpiska. Nang kanilang ini-scan ang QR Code nito ang lumalabas ay kinopya lamang ito sa isang electrical product. 

Umabot naman sa 759 printed na pekeng ICC Sticker ang nadiskubre ng DTI sa nabanggit na kargamento.

Aabot sa Php 30 milyon ang halaga ng nakumpiska sa naturang warehouse. 

Tiniyak naman ng Department of Trade and Industry (DTI) na sasampahan nila ng kaso ang ano mang kompanyang gumagamit ng ICC stickers na peke.

Kakasuhan din ng Bureau of Customs ang kompanyang pinanggalingan ng mga produkto kapag napatanuyan ang mga pagkakamali.

May mga nasabat ding higit kumulang P560 milyong halaga ng mga pekeng sapatos ang nakita sa nasabing operasyon.