MULTI-PURPOSE EVACUATION CENTER SA CAVITE, PORMAL NG BINUKSAN 

Photo by Tanggulang Sibil Calabarzon

Nicole Urbano

Pormal ng binuksan ang Multi-purpose Evacuation Center na matatagpuan sa Brgy. Palico 4, Imus, Cavite noong ika-6 ng Abril taong kasalukuyan. 

Pinangunahan ni Office of the Civil Defense (OCD) IV-A Regional Director and Regional Disaster Risk Reduction Management Council (RDRRMC) CALABARZON Chairperson Maria Theresa R Escolano, ang Turn-over Ceremony at pagpirma ng Memorandum of Agreement kasama si Cavite Governor Juanito Victor C. Remulla.

Ilan sa mga pasilidad ng gusali ay ang mess hall at kitchen, storage area, playroom, breastfeeding room, multi-purpose room, toilet at paliguan na kayang tumanggap ng 103 pamilya o nasa 500 na indibidwal. 

Binigyang papuri naman ng Director ang Cavite Provincial DRRM Council dahil sa mataas nitong rating sa Local DRRM Plan at pagpapaigting ng kampanya kontra COVID-19.