BATANGAS CITY NANANATILING BIRD FLU-FREE

Photos from Palakat Batangas City

Mary Rose Isla

Dahil sa mahigpit na pagbabantay, patuloy ang pagiging ligtas sa bird flu ng lungsod ng Batangas.  Ito ay ayon kay Assistant City Veterinarian Dr. Flora Abe ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS).

Photos from Palakat Batangas City

Ani Dr. Abe patuloy ang inspeksyon at monitoring ng kanilang tanggapan sa mga poultry sa lungsod. Mayroon din umanong tatlong checkpoints sa Batangas City para matiyak na hindi makakapasok ang avian virus galing sa mga affected areas.

Nagsasagawa rin ang OCVAS ng silang surveillance at pagkolekta ng dugo ng mga manok sa barakahan para masuri sa laboratoryo at masiguro na ligtas ang mga ito.

Ang avian influenza o bird flu ay sakit na dulot ng impeksyon ng influenza, isang Type A virus (H5N1). Ang mga virus na ito ay natural na kumakalat sa mga ligaw na ibon at maaaring makahawa sa mga domestic poultry gaya ng manok, pato, at iba pang species ng ibon at hayop. Ang bird flu ay karaniwang hindi nakakahawa sa mga tao ngunit maaaring maipasa sa tao sa pamamagitan ng pagkakalanghap o pagkaing may kontaminasyon ng virus.

Photos from Palakat Batangas City

Ang outbreak ng bird flu ay nagsimula nitong taon ng Enero sa Pampanga at umabot na rin sa Bulacan.

Paalala ni Dr. Abe, iwasang bumili ng mga poultry products sa mga lugar na apektado ng bird flu.