AGONCILLO, BATANGAS, COVID-FREE NA

Marlon Luistro

COVID free na muli ang bayan ng Agoncillo sa Batangas.

Yan ay matapos na gumaling na noong ika-10 ng Abril ang 37-anyos na babaeng taga-Barangay Subic Ibaba base na  rin sa kanyang 14 days quarantine alinsunod na rin sa bagong panuntunan at protocol ng Department of Health.

Dahil diyan ay wala nang aktibong kaso ng COVID-19 sa nasabing bayan bagaman patuloy pa rin ang ginagawang pag-iingat laban sa  pagkalat ng virus. Bago riyan ay gumaling na rin noong ika-9 ng Abril ang 19-anyos na babaeng taga-Barangay Bilibinwang na tinamaan din ng COVID.

Ika-3 ng Abril nang muling magtala ng panibagong kaso ng COVID-19 ang Agoncillo matapos ang isang buwan ng pagiging COVID-free ng nasabing bayan.

Sa pangkalahatan, ayon sa ulat ng municipal health office, ay umabot na sa 670 ang kumpirmadong kaso ng COVID sa Agoncillo simula nang magkapandemya dalawang taon na ang nakalilipas. Apatnaput lima sa kanila ang pumanaw habang 625 naman ang gumaling sa sakit.