PROVINCIAL COMELEC NG BATANGAS, HANDA NA SA DARATING NA ELEKSYON

Photo by Palakat Batangas City

John Kenneth Mendoza

Nagpahayag ng kahandaan si Commission on Elections (COMELEC) Batangas Election Supervisor Atty. Margaret Joyce Cortez para sa gaganaping national at local elections sa darating na Mayo 9.

Sa kanyang panayam sa isang programa sa radyo nitong Abril 11, ipinabatid ni Atty. Cortez na tapos na ang training para sa electoral board noong Marso 1-31, habang isinasagawa naman ngayong buwan ang pagsasanay para sa board of canvassers (BOC) na kikilos sa halalan.

Photo by Palakat Batangas City

Dagdag nito, inaasahan ang pagdating ng mga vote counting machines sa katapusan ng Abril na sasailalim sa final testing at sealing sa Mayo 2 hanggang 4.

Samantala, tapos na rin aniya ang printing ng mga balota at darating ang mga ito sa lalawigan sa ika-4 din ng Mayo.

May 2,860 cluster precints, 916 voting centers, at 1,819,071 registered voters sa buong lalawigan ng Batangas.