TANOD PATAY MATAPOS MAKURYENTE SA BALAYAN

frontpage online news - Balayan Batangas Map

Ylou Dagos at Marlon Luistro

Balayan, Batangas –Patay ang 65-anyos na barangay tanod matapos makuryente sa Barangay Gimalas ng bayang ito noong Lunes.

Kinilala ang biktimang si Reynaldo Magtanong.

Ayon sa report 7:38 ng umaga, nag-aayos lamang ang biktima, na isa ring electrician, ng bombilya sa  kanilang barangay outpost nang aksidente niyang mahawakan ang live wire dahilan para makuryente.

Agad itong nangisay at nawalan ng malay bago pa man napatay ang main switch.

Dead on arrival na siya nang isugod sa Don Manuel Lopez Memorial District Hospital.