BAUAN BARANGAY OFFICIALS TINAMBANGAN, 1 PATAY, 1 SUGATAN

Arnell Ozaeta

Patay ang isang opisyal ng Brgy. Sta. Maria sa bayan ng Bauan sa Batangas matapos pagbabarilin sa isang ambush 12:45 ng tangahali, Miyerkules.

Kinilala ni Bauan chief of police Lt. Col Louie Dionglay ang biktimang si Jojo Acuzar,  secretary ng naturang barangay.

Sugatan naman ang kasamahan nitong si Demetrio Silang, 47, barangay treasurer.

Ayon kay Dionglay, sakay ang dalawang biktima sa barangay patrol at pabalik na sa Brgy. Sta Maria mula sa Manghinao proper nang tambangan ng 2 lalaki na nagaabang lang sa gilid ng kalsada.

Kaagad ring tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo.

Itinakbo sa Bauan Doctors hospital ang mga biktima ngunit binawian ng buhay si Acuzar habang patuloy pang ginagamot si Silang.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari.