TOP 10 MOST WANTED NG CALABARZON ARESTADO

Photo: Tiaong QPPO PCAD

Mary Rose Isla

Arestado ang 36 anyos na suspek sa isang operasyon na ikinasa ng kapulisan sa Tiaong, Quezon bandang alas kwatro ng hapon noong Apirl 15.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Marlon C Cabataña, Tiaong Chief of Police, ang suspek na si Ranil Ramirez Roxas, residente ng Brgy. Bukal sa Tiaong.

Si Roxas na may kasong rape ay nahuli sa operasyon na pinangunahan ni Police Lieutenant Ramil O Malipol, Chief Intel ng Drug Enforcement Unit.

Ang suspek ay kinilalang top 10 most wanted ng CALABARZON na may criminal case no. 2022-301 na inisyu sa korte ng Sariaya, Quezon at walang inirekomendang piyansa nooong ika- 21 ng Marso, 2022.

Nasa kustodiya na ngayon ng Tiaong Municiapal Police Station si Roxas para sa kaukulang disposisyon.