BLACK SATURDAY TRAGEDY: DALAGITA NALUNOD, 5 NAKALIGTAS NANG TANGAYIN NG ALON

frontpage online news - Infanta Quezon Map

Ylou Dagos

Infanta, Quezon- Isang 15-anyos na dalagita ang nasawi at lima ang nakaligtas  nang tangayin ng malakas na alon habang lumalangoy sa isang beach resort nitong Sabado de Gloria sa bayang ito.

Idineklarang dead-on-arrival sa Claro Recto District Hospital si Justine Adopina Segismundo, at ang mga nakaligtas naman ay sina Arnel Fornillos Segismundo, 47; Arlene Adopina Segismundo, 17; Florencio Alfaro Chan, 49; Ailene Adopina Segismundo, 17 at Jennilyn Adopina Alfaro, 15 mga pawang naninirahan sa Binangonan, Rizal.

Batay sa report ng Infanta police,  dakong alas-2:30 ng hapon nang ang pamilya Segismundo at mga kasama nila ay nag-swimming sa Resplandor Boulevard Beach Resort sa Barangay Binulusan sa bayang ito.

Habang sila ang naglalangoy ay binayo ang mga ito ng malakas na alon at tinangay sa malalim na parte ng karagatan na kanilang ikinalunod.

Nasagip naman ang mga ito at lahat ay isinugod sa ospital sabalit hindi na umabot pa ng buhay si Justine na idineklarang wala ng buhay ng doktor.