START A JOB PROGRAM, INILUNSAD

Nicole Urbano

Inilunsad ngayong araw ang kauna-unahan rehistrasyon ng mga aplikante sa Start a Job program sa General Trias, Cavite. 

Ang “START a JOB” ay programa na naglalayong gawing handa ang mga aplikante sa anumang trabaho at pagkatapos nito ay may nakahandang eksklusibong job fair mula sa mga kasaping kumpanya ang naghihintay pagkatapos ng training.

Ang lahat ng aplikante ay makakatanggap ng libreng training at allowance bagama’t kinakailangan muna na pasok ka sa mga kwalipikasyon na kanilang inihanda.

Narito ang mga kwalipikasyon:

– 20-30 years old

– At least high school graduate

– Currently not emplyoed, not enrolled in school, or in any training

– 0-12 months experience and;

– Preferably a resident of General Trias

Sa lahat ng mga interesadong mag-apply, magdala lamang ng mga sumusunod: resume/bio data, birth certificate at barangay clearance. Matatapos ang nasabing rehistrasyon sa April 22, 2022.