DRIVER, PASAHERONG  TEACHER,  PATAY MATAPOS ARARUHIN NG DUMP TRUCK SA TAYABAS CITY 

Dalawa ang nasawi matapos araruhin ng dump truck ang isang tricycle sa Tayabas Quezon (Quezon BFP)

Ylou Dagos

Patay ang driver ng tricycle at isang pasahero nito na isang teacher nang salpukin ng isang dump truck ang kanilang tricycle sa Tayabas City Lunes ng umaga.

Dead on the spot ang  driver na si Abner Pabellano, residente ng Silangang Palale, matapos na ito ay magulungan ng huling gulong ng truck.

Photo: Quezon BFP

Nasawi naman  bago pa madala sa hospital ang teacher na si Hannah Shane De Ocampo na isa sa mga pasahero ng tricycle.

Batay sa report ng Tayabas City police, dakong alas 7:00 ng umaga, tinatahak ng tricycle ang Tayabas-Mauban road ng pagsapit nito sa Barangay Kanlurang Palale ay salpukin ito mula sa likuran ng kasunod na dump truck na minamaneho ni Christopher Padua Bermudo, 43 anyuos, taga Barangay Masin Tayabas City.

Photo: Quezon BFP

Nakaligtas at hindi naman nasaktan ang tatlo pang pasahero ng tricycle na sina Jimuel Cabalsa, 28; Wilfred Marco, 47, at Angelo De Luna, 23;  pawang taga Barangay Mainit.

Photo: Quezon BFP

Ayon sa Tayabas police, nawalan ng preno ang truck kaya nabangga nito ang nasa unahang tricycle.

Naaresto naman ng mga pulis ang driver ng truck na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide and damage to properties.