GUPIT PINOY INILUNSAD SA STO. TOMAS, BATANGAS

Photos: City of Sto. Tomas FB page

John Paul Villanueva

Inilunsad kahapon, Abril 18, ang programang Gupit Pinoy ng pamahalaang lungsod ng Sto. Tomas para sa isang daan at apatnapung (140) kabataang mula sa mga barangay ng Sta. Cruz, Sta. Teresitq, San Pablo, Sta. Clara, San Francisco, San Miguel, at San Felix.

Ang nasabing programang pagtutuli ay para sa mga kabataang lalaki ng lungsod sa pamamagitan ng City Health Office na pinangunahan ni Dra. Roselle Sanchez.

Layunin ng programa na itaas ang kamalayan sa kalusugan ng mga kabataan at upang mahikayat ang mga ito na maging responsableng mamamayan.

Samantala, nakatakdang magpatuloy ang Gupit Pinoy hanggang Biyernes sa City Evacuation Center, Poblacion 3, Sto. Tomas City para sa mga nakapagpatala sa kanilang mga Barangay Health Workers (BHW) ng kani-kaniyang barangay.