2 PATAY, 1 SUGATAN SA LIPA SHOOTING INCIDENTS

frontpage online news - Lipa City Map

Arnell Ozaeta

Batangas – Patay ang isang guro at isang Human Resource Manager samantalang sugatan ang isang negosyante sa magkahiwalay na pamamaril sa lungsod ng Lipa noong Martes.

Kinilala ng Lipa police ang mga napatay na biktimang sina Richard Bon, 36, isang guro sa Inosluban-Maraouy National High School at Lorena Roaring, 36, Human Resource Manager ng Nestle Factory. 

Sugatan naman ang negosyanteng si George Sagarbarria, 59, residente ng Plantacion Meridienne, Brgy. Cumba, Lipa City. 

Ayon sa report, sakay ng motorsiklo si Bon at binabaybay ang kalsada sa Saint Peter Subdivision sa Barangay Tambo nang barilin ng malapitan ng dalawang suspek na sakay din ng motorsiklo bandang alas- 6:10 ng umaga. 

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo ang biktima na naging sanhi ng kanyang kagyat na kamatayan. Tumakas ang mga suspek patungo sa national highway. 

Narekober mula sa crime scene ang tatlong basyo ng cal.45 pistol at isang bullet slug.

Samantala, sakay ng kotse sina Lorena Roaring at George Sagarbarria at nakaparada sa bahagi ng lay-by sa StarTollway sakop ng Kilometer 78 Southbound sa Brgy. Tibig, Lipa City nang biglang sumulpot ang isang gunman mula sa madamong bahagi ng highway at pagbabarilin ang mga biktima bandang alas-8:30 ng gabi. 

Dead on the spot si Roaring dahil sa mga tinamong tama ng bala samantalang nasugatan naman si Sagarbarria mula sa mga bubog ng bintana at windshield ng kotse

Tumakas naman ang suspek na pawang naglalakad lamang patungong Barangay Tibig. 

Inaalam pa ng pulisya ang mga nasa likod at ang motibo ng dalawang kaso ng pamamaril.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s